Latest News

LINUX

Monday, April 27, 2009 , Posted by Ramel Nortega at 8:29 PM

RICHARD MATHEW STALLMAN

Ang Linux (pagbigkas: IPA: /ˈlɪnʊks/, lin-uks) ay isang operating system kernel para sa mga operating system na humahalintulad sa Unix. Isa ang Linux sa mga pinaka-prominanteng halimbawa ng malayang software at pagsasagawa ng open source (bukas na pinagkukunang kodigo); madalas, malayang mapapalitan, gamitin, at maipamahagi ninuman ang lahat ng pinag-ugatang source code (pinagmulang kodigo).

Ang kauna-unahang paglabas sa publiko ng Linux kernel ay noong Setyembre 17, 1991, para sa arkitektura ng Intel x86 PC. Sinama ang kernel sa system utilities at libraries mula sa proyektong GNU upang makalikha ng isang magagamit na operating system, kung saan nabuo ang iminumungkahing, alternatibong terminong GNU/Linux. Naka-empake ang Linux para sa iba't-ibang gamit sa mga ipinapamahaging Linux, kung saan ito'y naglalaman ng minsa'y nabagong kernel kasama ng mga iba't-ibang software packages para sa iba't-ibang pangangailangan.

Mas kilala ang Linux bilang pang-server, sinusuportahan ang Linux ng mga korporasyon gaya ng Dell, Hewlett-Packard, IBM, Novell, Oracle Corporation, Red Hat, at Sun Microsystems. Ginagamit rin ito bilang operating system sa mga hardware ng kompyuter, kagaya ng kompyuter pang-desktop, mga supercomputer, mga sistemang larong bidyo, tulad ng PlayStation 2, 3, at ng marami pang larong arcade, at kagamitang naka-embed, tulad ng mga cellphone at mga router.

Noong 1992, pinaliwanag ni Linus Torvalds na ang kanyang pagbanggit sa Linux ay /ˈlɪnʊks/, ngunit madalas ding gamitin ang ibang baryasyon ng karamihan.

Currently have 0 comments:

Leave a Reply

Post a Comment